Makulimlim ang aking gabi
malamig ang sipol ng Amihan
may kaunting luha ang kalangitan
na durampi
sa mga amorseko, cadena de amor
at makahiya.
Gapos-gapos ng mga ulap
mga bituin
walang kutitap, walang ningning
abuhing dilim na kumukumot
sa kaparangan at looban
habang binabanatayan ng mayuming buwan
kaming nasa ilalim ng agnas na yero
sa ibabaw ng gulanit na karton-banig
at sa loob ng marusing na barongbarong
ng pagtitiis.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento