Sabado, Agosto 25, 2012

Sa aking Inang Pinuta ng mga Anak ng Puta


hayaang pumatak ang luha
hayaang mamaga ang mata
hayaang maghagulgol
Ina, malapit na ang panahon.

sa inyong pagluha hindi ko kayo pipigilan
hihintayin ko lamang tumila iyan
at hihintayin ko ang inyong pagtayo at paglaban
panonoorin ko kung paano ninyo naman sila pahihirapan.

sa mahabang panahong may piring inyong mata
sa mahabang panahong sakal inyong sikmura
sa mahabang panahon ng sugat, peklat, at pasa
pahanon na, Ina, upang bawian sila.

panahon na upang
kaladkarin sila
sa malalawak na hacienda
iupo sa silya-elektrika
ikadena mga kamay at paa
at hambalusin ng dos por dos at bareta

mudmurin
sa punong-taeng inodoro
lunurin
sa drum ng kanin-baboy
saka ipakain lahat sa kanila
at painumin
galon-galong ihi
mula sa arinola

huwag titigilan.huwag na huwag ninyo titigilan
palobohin ng husto kanilang tiyan
mas mainam kung sasabayan
ng suntok, hambalos, hagupit, at paso sa katawan

hayaang umagos kanilang luha
hayaang mamaga kanilang katawan at mukha
hayaan sila sa pagmamakaawa
magpatuloy lang sa inyong ginagawa.

at kapag lumobo na nang husto
kanilang tiyan
bunutin ang karit,
iturok ng dahan-dahan
ibaon nang malalim,
hanggang sa laman-laman
biglang hugutin,
hayaang bumulwak
kanilang mga kasalanan

hayaang mamaga ang mata
sa matinding hirap at dusa
aking Ina, malapit na ang panahon
ng iyong masidhing pagbangon!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento