"Pa'no na?"
Tanong ko kay amo
Tumaas na naman kasi
Presyo ng krudo
Ayon sa dyaryong nabasa ko.
"Ewan ko."
Tugon niya
Nakatiim ang bagang
Nakasara ang kamao
May gigil sa mukha
"Sa'n ka?"
Sabi ko
Pagkatayo niya
Sa pagkakaupo
"Kunin ko ang susi
sama kita
pero hindi tayo
ngayon papasada."
Hindi na ko tumugon
wala nang tanong-tanong
Hinayaan ko na lang
na ako ay kanyang paandarin
Hindi na ko nag-isip
kung saan niya ako dadalhin.
Basta ang alam ko
May mga plakard siyang dala
Ilang yardang tela
Ilang kulay ng pintura
At gigil na mukha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento